sa paglubog ng araw ay siyang pagmulat ng mundo
sa katotohanan na ang buhay ay siyang mapaglaro
marami ang nagtitiis nagpapasarap ang iilan
kokonti ang kumakain ang iba ay kumakalam ang tiyan
sa ilalim ng hubad na ulap may mga sumisilong
at sa apat na sulok ng palasyo ay may mandarambong
ang piping iyak ng dukha ay dinig ng malaya
ngunit pilit kinukubli ng mayamang mapag-alipusta
ang katarungang mithi ng bayang bigo
ang kapayapaang hangad ng batang sundalo
ang kaginhawaang hingi ng inang nawalan
ang katotohanang alay sa perlas ng silangan
at sa bawat pagbangon ng paslit sa lansangan
pantawid gutom agad ang nasa kanyang isipan
habang ang nasa kapangyarihan ay nagbibilang
kung magkano ang nanakawin sa kaban ng bayan
Monday, May 4, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment