isang araw na naman ang bumungad upang simulan
isang paglalakbay na 'di alam kung kayang malagpasan
ang mga naka-ambang pagsubok sa kabilang anyo ng mundong
malawak at makabago;ng magulong buhay at kulturang halu-halo
ito ay paglalakbay na nagnanais matunton
ang buong pagkatao, tunay na lakas, bulong ng puso
na ‘di naa-alintana ng dikta ng kapatagan
at ng kaugaliang nabahiran ng kasinungalingan
o ng batas ng tao na nilikha para ang buhay natin ay gawing marupok na masaya
ang paglalakbay upang makamtan ang mithing kapalaran
na ‘di pinapansin ang pangungutya ng mga bulag sa katotohanan
ang paglalakbay na pupukaw sa damdamin na ‘di lang tungkulin ang ipagtanggol ang natitira ngunit nakaukit sa tadhana na ibalik ang mga 'di na namulatang nilikha
nagawa sa loob ng maikling panahon ang ina-akalang masagana
ngunit milyong taon ang ginugol upang mailikha ang tunay na kahanga-hanga
itong paglalakbay ang magsasabi na ang tao ay di likas na loko-loko;
ngunit ang ginagawa natin ang nagbabahid sa ating anyo
ang kasakiman upang makamit ang karangyaan at kapangyarihan ang
nagdadala sa atin sa ating madugong katapusan.
Friday, September 21, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment